0

Tinututukan na nga­yon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang showbiz personalities na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay PDEA-National Capital Region (NCR) Director Wilkins Villanueva, minamanmanan na ngayon ng mga ahente ng PDEA ang mga showbiz perso­nalities na napag-alamang gumagamit ng illegal drugs base sa mga footages na nakalap ng ahensya gayundin sa pagbabantay sa mga condominium unit na ginagamit na bentahan ng mga party drugs.

Sa isinasagawang surveillance ng PDEA, aabot sa 20 hanggang 30 sasakyan kada araw ang pumupunta sa mga condo unit para kumuha ng suplay ng droga.



“May mga footages kami na nagpo-point na may ginagawa sila, ‘yung mga pumupunta ng condo, sa isang araw about 20 or 30 ‘yan, identified natin ang sasakyan pati mga tao, at nasusundan natin ang mga sasakyan na ‘yan, nasusubaybayan. Apparently may mga artistang tumbok sa backtracking natin. May mga artistang regular, may mga nalaos na, merong mga sumisibol pa lang,” ayon kay Villanueva.


Dahil dito, nanawagan at pinayuhan ni Villanueva ang mga TV networks na magsagawa ng regular na drug test sa kanilang mga talent upang matukoy kung sino ang mga dawit sa ilegal na droga.
(Abante).

Post a Comment

 
Top